Pagturok ng booster para makonsiderang ‘fully vaxxed’ magpapalito lang – DOH

Pagturok ng booster para makonsiderang ‘fully vaxxed’ magpapalito lang – DOH

April 4, 2022 @ 7:27 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pa kumbinsido ang Department of Health para palitan ang depinisyon ng “fully vaccinated” laban sa COVID-19 sa bansa.

Nauna na kasing ipinanukala ng isang  infectious disease expert na palitan ang depinasyon ng “fully vaccinated” sa bansa kung saan idagdag dapat ang booster shot vaccine rito.

Sa ngayon kasi, kinokonsiderang “fully vaxxed” sa COVID-19 ang isang indibidwal kung naturukan na ito ng dalawang beses sa o kung naturukan ito ng single-dose vaccine sa COVID-19 primary vaccination.

“Pag kasi ni-redefine natin at nilagay natin ang booster dose as part of fully vaccinated individual, baka magkaroon uli ng confusion doon sa sinasabing mandatory versus voluntary na pagbabakuna,” punto ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila nito, nakikitang solusyon ng DOH ang ginawang format ng Amerika sa kanilang vaccination card kung saan nakalagay doon ang primary vaccination at ang “up-to-date” mark sa vaccination status ng isang indbidwal.

“Ang sabi po ng ating mga eksperto it would be better if we go to that direction where we can use another term like ‘up-to-date vaccination’ so that we can encourage more of our citizens para po sila ay magpabakuna,” aniya pa.

“Gusto lang po natin na ipatupad kung ano yung mas pina-practice po sa ibang bansa, mas may ebidensya tayo, at sa tingin natin mas makakabuti sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Vergeire.

Nakatakda namang maglabas ng desisyon ang DOH ukol sa nasabing isyu sa mga susunod na araw.

“In the coming days, we will be issuing out an advisory para dito para informed lahat ng ating kababayan,” dagdag pa ni Vergeire.

Nauna nang inirekomenda ni Dr. Rontgene Solante, pinuno ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital sa Manila ang pagbabago sa depinisyon ng fully vaccinated na indibidwal. RNT