Pagtutuloy ng blended learning sa pribadong paaralan pinayagan na ng DepEd

Pagtutuloy ng blended learning sa pribadong paaralan pinayagan na ng DepEd

October 17, 2022 @ 3:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong paaralan na magpatuloy sa blended learning option o kombinasyon ng face-to-face classes at distance learning sa kabuuan ng School Year 2022-2023.

Sa DepEd Order No. 44 na inilabas ng DepEd nitong Lunes, Oktubre 17 na pinirmahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay binibigyan nito ng pagkakataon ang mga pribadong eskwelahan na magsagawa ng limang araw na face-to-face classes, blended learning o full distancing learning pagsapit ng Nobyembre 2.

Kung nanaisin din umano ng mga pribadong paaralan na magsagawa ng blended learning method, maaaring magkaroon ng in-person classes ng tatlong araw dalawang araw naman para sa distance learning katulad ng modular, online, tv o radio-based instruction.

Kung babalikan, sa naunang kautusan na DO 44, inoobliga na ang kapwa publiko at pribadong paaralan na magsagawa ng five-day face-to-face classes simula Nobyembre 2.

Sakop lamang ng bagong kautusan ang mga pribadong paaralan at ang mga nasa pampublikong paaralan naman ay obligado nang magbalik sa full implementation ng in-person classes sa kaparehong petsa.

“After the said date, no public school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning, except for those that are expressly provided an exemption by the Regional Director, those whose classes are automatically cancelled due to disaster and calamities, and those implementing Alternative Delivery Modes,” ayon sa Department Order. RNT/JGC