Pagtutuloy sa NTF, NVOC depende sa Marcos admin – DOH

Pagtutuloy sa NTF, NVOC depende sa Marcos admin – DOH

May 27, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng opisyal ng Department of Health (DOH)  nitong Biyernes na hawak ng incoming Marcos administration ang desisyon kung itutuloy nito ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) at ang National Vaccination Operations Center (NVOC).

“We will leave it up to them but the IATF… siya ang overall ng NTF at saka ng ating Vaccine Cluster, is prepared to hand over the documents and to brief,” ani Heath Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

“We just await kung ano ‘yung  directions ng susunod na administration. Of course, we will also defer kung sino man ‘yung mga bagong secretary,” patuloy niya.

Itinatag ang NTF noong Marso 2020 upang pag-isahin ang mobilization ng government assets sa pagtugon sa COVID-19 situation habang binuo ang NVOC upang suportahan ang COVID-19 Vaccine Cluster ng bansa.

“So bahala na po ‘yung susunod na administration kung ano po ‘yung direksyon, kung magkakaron sila ng inter-agency, itutuloy ba ‘yung parang structure ng NTF o gagawa sila ng panibagong structure,” giit ni Cabiotaje. RNT/SA