Pagtutulungan ng operators, gobyerno sa pagbuo ng mga polisiya sa e-sabong isinulong

Pagtutulungan ng operators, gobyerno sa pagbuo ng mga polisiya sa e-sabong isinulong

September 16, 2022 @ 11:51 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines-Ipinanukala ng isang gaming technology executive ang mahigpit na koordinasyon ng pamahalaan at ng mga operator ng e-sabong para makatulong sa pagpapaunlad ng industriya sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano na nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa panawagan ng publiko hinggil sa e-sabong.

“We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive away the illegal [operators],” sabi ni Pisano.

“At the moment the government’s losing, the community is losing, and it’s something we can do together to help build the industry. The Philippines is the hub for gaming now…nothing makes us happier than to work with the regulators to help grow the e-sabong industry,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Pisano na ang e-sabong ay magandang mapagkukunan ng kita ng pamahalaan dahil mayroon itong buong ecosystem ng mga industriya na sumusuporta rito.

Kinabibilangan ito ng mga sektor sa ilalim ng  breeders, feed makers, veterinary, at employment na nag-aambag sa kabuuang  35 percent corporate tax para sa pamahalaan.

Sinabi ni dating Presidente Rodrigo Duterte  noong Marso na ang industriya ng e-sabong ay nagkakaloob sa gobyerno ng P640 million na kita kada buwan. Nakalikom ito ng kabuuang P2.03 billion sa first half ng taon.

Iginiit pa ni Pisano na ang e-sabong ay dapat na ituring na tulad ng ibang sport dahil may kapareho itong set of rules at mechanisms na ipinatutupad dahil isa na rin itong propesyon sa mahabang panahon.

Dagdag pa niya, habang ang ibang sports tulad ng basketball, tennis, at football ay pawang may betting systems, ang sabong ay dapat ding bigyan ng kaparehong pagtrato.

“Sports betting on cockfighting would be natural on what we do today…We want [for] cockfighting to be treated like any other sport and go through the same treatment as any other sport,” ani Pisano.

Ibinahagi rin ng CEO na ang mga industriya na labis na namuhunan sa three-year license na ipinagkaloob sa e-sabong operators ay napilitang magbawas ng mga empleyado dahil sa kawalan ng kita, at walang paraan para makarekober.

Aniya, ang kanyang kompanya, ang Jade, ay napilitang magbawas sa mahigit 200 staff nito at maging 30 na lamang dahil sa pagbabawal sa e-sabong.

“Since the operations have been reduced, we have only operated for about five months…so we have taken a lot of losses…we just can’t sustain them with our operations,” ani Pisano.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman and Chief Executive Officer Andrea Domingo, ang e-sabong ang nagkakaloob ng 8 hanggang 10 percent ng kita ng korporasyon na umakyat sa kabuuang P26.70 billion sa unang anim na buwan ng 2022.

Noong 2020, naghain sina Congressmen Joey Salcedo at AAMBIS-OWA Party-List Representative Sharon Garin ng panukalang batas na humihiling ng pagpapataw ng mga bagong buwis sa e-sabong para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya. RNT