Love letters ni Diego, nakatago pa kay Barbie!

June 27, 2022 @7:30 PM
Views:
36
Manila, Philippines – “Hindi pa rin maka-move on!”
“May Franki na si Diego!”
“You deserve better, move on na!”
Mukhang hindi natuea ang netizens sa room tour ni Barbie Imperial.
Bukod kasi sa pagpapasilip nito ng mga bagay sa loob ng kanyang kwarto, napasilip din nito ang mga letters na binigay sa kanya ng ex boyfriend na si Diego Loyzaga na until now ay tinatago pa niya.
“Mahilig kasi akong mag-keep ng notes galing sa loved ones ko. Itong box na ito, mga letters from Diego before, mga flowers din na bigay niya sa akin.”
“Hay nako, Diego,” biro ni Barbie while showing her YouTube viewers the letters Diego gave her.
Hindi naman nakalimutan ng aktres na magbigay ng disclaimer lalo’t hindi maiiwasan ang chika ng mga Marites.
“Wala namang bad blood so memories, ‘di ba? Tsaka ‘wag feeling special kasi marami pa akong ibang ganito,” disclaimer from Barbie. Lol.
Nasingit man nang ilang beses ang hiwalayan nila ni Diego, may ilan pa rin ang natuwa sa room tour ni Barbie dahil sa simplicity nito.
Mukha namang naka-move na ang aktres dahil hindi naman siya makakapag-joke about it kung hindi pa. Analysis ng netizens. Hehehe. Paula Jonabelle Ignacio
Leon, nagpaliwanag sa hindi pag-greet sa ama, naglabas ng sama ng loob sa socmed!

June 27, 2022 @7:20 PM
Views:
39
Manila, Philippines – Ilang araw matapos ang paglalabas ng sama ng loob ni Dennis Padilla sa social media, binasag na rin ng anak nitong si Leon ang katahimikan nito.
Kung idinaan ni Dennis ang mensahe sa mga anak sa pamamagitan ng isang Instagram post, ganon din ang ibinalik ng anak.
Although Leon started by saying sorry to his dad for not being able to greet him on Father’s Day, sa mga sumunod na paragraph ng kanyang post, naglabas na ito ng paliwanag at pagdepensa kung bakit nga ba hindi nila binabati ang ama for the past years.
Paliwanag nito, hindi nila alam kung saan silang magkakapatid lulugar kay Dennis, reason why they chose not to greet him instead.
Bukod dito, maraming netizens ang nabigla sa pagsisiwalat ni Leon na sigaw, mura, at masasakit na salita ang natanggap nila mula kay Dennis tuwing sinusubukan nilang ayusin ang issue sa pagitan nila.
“It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day’.
“For the past 10 years, we have been trying so hard slowly to rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your presscons, interviews, and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father? It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do not resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.”
Bahagi ng open letter ni Leon sa ama na ayon sa kanya’y napagdesisyunan niyang gawin because he needs to protect his sisters as he is the only man in the family.
Nagpaliwanag man pero marami pa rin ang nam-bash sa Barretto siblings.
Inaabangan ngayon ng netizens kung sasagot pa ba si Dennis sa open letter na ito ng anak o mananahimik na lang lalo’t mukhang hindi naging maganda ang epekto ng pagsasapubliko nito ng issue niya sa mga anak kay Marjorie Barretto. Paula Jonabelle Ignacio
Kris, naka-confine na; Ospital, ‘di matukoy!

June 27, 2022 @7:10 PM
Views:
46
Texas, USA – Kahit ang mga Pilipinong medical workers sa Texas, USA ay nahihirapang tuntunin kung saang ospital sa Houston naka-confine si Kris Aquino.
Ito ang pinaksa ni Cristy Fermin sa programa niyang Showbiz Now Na.
Ayon kay Fermin, hirap daw kahit ang mga Pinoy na medical workers na nakabase sa Texas kung ano ang eksaktong pagamutan na pinagdalhan kay Kris.
May umiiral daw kasing Hospital Insurance Portability and Accountability Act doon kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagri- release ng anumang impormasyon ukol sa pasyente, diagnosis ng karamdaman nito, mga medical procedure na pinagdadaanan nito at iba pa maliban na lang kung may written consent ang pasyente.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na tatlong uri ng autoimmune disease ang nasuring karamdaman ni Kris.
Sinasabi ring nasa Houston, Texas lang available ang mga kakailanganing gamot at procedure ni Kris.
Dagdag impormasyon pa ni Fermin, marami raw mga reporter mula sa iba’t ibang TV network ang nakaantabay doon para mangalap ng balita tungkol kay Kris.
Ang tanong: kay Kris na rin kaya galing ang order na ayaw niyang maiulat ang kanyang kalagayan? Ronnie Carrasco III
Ulat ng COA ukol sa POGO fees nilinaw ng PAGCOR

June 27, 2022 @7:00 PM
Views:
46
MANILA, Philippines- Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kamakailang ulat ng Commission on Audit (COA) hinggil sa outstanding accounts receivables na halagang P2.328 bilyon.
Ayon sa PAGCOR, mula sa P2.328 bilyon, ang P815.902 milyong na nakasaad sa ulat na nasa ilalim ng protesta ay naresolba na nang may finality.
Sa P1.512 bilyon na nananatiling hindi nakolekta, karamihan sa nasabing halaga ay nauugnay sa kamakailang epekto ng pandemya ng Covid-19. Matatandaan na noong Marso 21, 2020, lahat ng POGO gaming operations sa bansa ay ipinag-utos na isara ng Gobyerno dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Noong June 2022, sa kabila na pinayagan nang mag-resume ng operasyon, karamihan sa mga operators ay hindi pa rin makapagbukas dahil sa umiiral na lockdowns, paghihigpit sa business operations, pagbabawal sa pagpasok ng foreign workers at iba pang pandemic measures.
Ayon pa sa PAGCOR, sa kabila ng mga remedial measures, karamihan sa mga POGO ay hindi na nakapagbukas muli mula nang magsimula ang pandemya, na nagresulta sa pag-iipon ng mga hindi nakolektang bayarin.
Sa huli,dapat bigyang-diin na ang mga POGO na kasalukuyang nagpapatakbo ay kinakailangang ganap na bayaran ang kanilang mga naipon na atraso bago sila payagang ipagpatuloy ang operasyon.
“This meant full payment of their monthly MGF for the months that they were non-operational beginning on March 2020, including the months wherein closure and stoppage of operations was mandated by the government. These collected amounts were used by the Government to fund the fight against the pandemic.” ayon pa sa pahayag ng PAGCOR.
Sa ngayon,sinabi ng PAGCOR na sinusunod nito ang tamang pamamaraan para sa pagkolekta ng mga hindi pa nito natatanggap o outstanding receivables. Ang mga hindi nakolektang account receivable ay nai-refer na sa legal na departamento para sa kinakailangang aksyon, at ang PAGCOR ay nakatakdang gamitin ang lahat ng legal na pamamaraan para sa koleksyon nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Work-from-home sa Hunyo 28-29 ikakasa ng Comelec

June 27, 2022 @6:52 PM
Views:
56