Pagtuturok ng 2nd COVID booster sa edad 50-59 sinisilip ng DOH

Pagtuturok ng 2nd COVID booster sa edad 50-59 sinisilip ng DOH

June 26, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng Department of Health ang posibilidad na payagan ang mga indibidwal edad 50 hanggang 59 na maturukan ng COVID-19 booster shot.

“Actually, we started our discussions with our experts last week, and we are studying which sectors can be added. We are looking at the evidence,” ani Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing nitong Sabado.

“We are also looking at whether 50 to 59-year-olds could be included, as well as immunocompromised frontliners,” dagdag niya.

Sakaling irekomenda ng mga eksperto na isama ang age group sa pagtuturok ng ikalawang booster, sinabi ni Vergeire na dapat amyendahan ang emergency use authorization na ini-isyu ng Food and Drug Administration.

“Discussions are ongoing. We will be presenting to the IATF (Inter-Agency Task Force) on Monday and in case there will be an approval from our officials, we will be processing and facilitating this with the FDA and our HTAC (Health Technology Assessment Council),” sabi niya.

Sa kasalukuyan, frontline healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals ang kwalipikado para sa ikalawang booster shot.

Samantala, halos 100 immunocompromised edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan ng booster doses kasunod ng rollout ngayong linggo.

“Hopefully, in the coming weeks we will see a slow increase of 12 to 17-year olds who have received their booster doses because they really need them,” sabi ni Vergeire, at tiniyak na mayroong sapat na suplay ng Pfizer booster doses. RNT/SA