Pagtuturok ng booster shots isasagawa kada kwarter- presidential adviser 

Pagtuturok ng booster shots isasagawa kada kwarter- presidential adviser 

December 29, 2021 @ 5:10 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Ginagawan na ng paraan ng pribadong sektor ang pagkuha ng reformulated na coronavirus disease (COVID-19) vaccines para sa booster shots na target ibakuna sa ikalawang bahagi ng 2022, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion nitong Miyerkules.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Concepcion na nakikipag-ugnayan na siya sa mga opisyal ng pharmaceutical firm na AstraZeneca para sa posibleng pagbili ng karagdagang shots para sa boosters.

Umaasa ang pribadong sektor na maging pormal ang naturang order sa Pebrero 2022, upang magamit bilang boosters sa Hulyo 2022.

“Hopefully by March we should have completed all these booster shots, so ang mangyayari dito every three months magbo-booster shot tayo so that will be about three to four vaccines to be given annually,” pahayag ni Concepcion.

“In the private sector we’re already preparing for the next order of AstraZeneca in the second semester of 2022, so lahat ‘yan hinahanda na namin ‘yung mga bakuna natin, because that is the weapon we will use even in Omicron,” patuloy niya.

Subalit iginiit ni Concepcion na bagamat kayang bumili ng malalaking kumpanya ng mga bakuna para sa kanilang mga empleyado, hindi ito ang kaso para sa maliliit na mga negosyo.

“I think the government will still pay for bulk of our health initiatives kaya mahirap isarado yung economy. Paano ‘yung revenue ng government? Walang magbabayad ng tax. To sustain this war against COVID we need the resources to be able to fund,” aniya.

Gayundin, binigyang-diin ni Concepcion na sa kasalukuyan ay hindi kinakailangang paluwagin ang mga restriksyon sa Alert Level 1 mula sa Alert Level 2, dahil inaasahang bababa ang sa unang kwarter ng 2022.

“I remain optimistic that 2022 will be a much better year. We’re much more prepared, we have the vaccines, we have the structure, we know what to do — private sector and government are working well together — so let’s just continue and accelerate and vax to the max,” sabi ni Concepcion. RNT/SA