Pagtuturok ng booster shots sa mga kabataan sa Pasay umarangkada na

Pagtuturok ng booster shots sa mga kabataan sa Pasay umarangkada na

July 14, 2022 @ 12:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 nitong Hulyo 13.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kanyang inaabisuhan ang mga magulang ng mga kabataan na nakapailalim sa kategorya ng immunocompromised na tumawag sa Pasay City General Hospital (PCGH) sa numerong 0936-6467848 para sa kanilang iskedyul ng baksinasyon.

Para sa mga hindi naman napapabilang sa immunocompromised na kategorya ay sinabi ni Calixto-Rubiano na magtungo na lamang sa mga health centers na malapit sa kanilang mga lugar o dili kaya ay bisitahin ang: http://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1355942644811354&id=161272524278378&sfnsn=mo para malaman ang iskedyul ng pagtuturok ng COVID-19 booster shots.

Kasbay nito ay hinikayat ni Calixto-Rubiano ang populasyon ng mga mas nakatatanda na magpabakuna na ng COVID-19 booster shots lalo na yung mga napapabilang sa vulnerable sector para na rin sa kanilang karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na virus.

Sa huling datos na inilabas ng lokal na pamahalaan nitong Hulyo 13 ay nakapagtala ang City Health Office (CHO) ng 15 bagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 27 indibidwal ang mayroong aktibong kaso ng virus sa lungsod.

Ayon pa kay Calixto-Rubiano, kanyang pinakikiusapan ang mga residente ng lungsod na gawin to ang EMI habit (ensure to always wash your hands, mask is a must, implement physical distancing) na isang epektibong pamamaraan upang mapaglabana ang muling pagkalat ng virus.

Sa kabuuan simula ng kumalat ang pandemya ay nakapatala na ang lokal na pamahalaan ng 29,032 kumprimadong kaso ng COVID-19 kung saan 28,418 sa nabanggit na bilang ay mga nakarekober na habang 587 naman ang mga namatay na rin sa virus. James I. Catapusan