Pagtuturok sa mga edad 5-11 kailangan ng consent; ‘di mandatoryo – DOH

Pagtuturok sa mga edad 5-11 kailangan ng consent; ‘di mandatoryo – DOH

February 7, 2022 @ 1:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Nilinaw ng Department of Health na kailangan ng consent sa pagtuturok sa mga nasa edad lima hanggang 11 habang hindi rin mandatoryo ang pagbabakuna.

Kasabay nito ay ang panghihikayat sa mga magulang na paturukan ang kanilang anak bilang proteksyon laban sa COVID.

“Vaccination will protect them from severe forms of COVID-19 disease and provide an additional layer of protection as they begin face-to-face schooling soon.”

Punto ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hindi mandatoryo ang pagbabakuna.

“Parents will give consent. We will also explain to the child what would happen during vaccination, what we will give them, the benefits of the vaccine and its side effects,” ani Cabotaje sa isang panayam.

Base pa sa DOH, halos 8/7 milyong bata na sa buong mundo ang bakunado na laban sa COVID at walang report na nasawi dahil dito.

Habang 97.5 percent ng bakunado ang hindi nakaranas ng side effects; 2.4 percent ang nakaranas ng mild side effects; habang 0.00013 percent naman ang nakaroon ng serious adverse tulad ng myocarditis o pericarditis ngunit nakarekober na.  RNT/FGDC

Unmute

Duration 0:30