PAGTUTUWID SA SIMBAHAN

PAGTUTUWID SA SIMBAHAN

October 3, 2022 @ 7:39 PM 2 months ago


HALO-HALO ngayon ang nagaganap sa simbahang Katolika.

Naririyan ang pagbabayad nito ng kanyang pagkakautang sa mga mamamayan at pagiging target ng atakeng pulitikal.

Saan kaya hahantong ang lahat?

MALALIM NA PAGKAKAUTANG

Sa bansang France, lumitaw ang nakasusukang pagkakautang ng Simbahang Katolika sa mga batang kalalakihan.

Nakasusuka dahil sa gawa ng mga pedopilyang pari, obispo at iba pang mga lider ng nasabing simbahan gaya ng mga scout leader at camp counselor.

Sa malawakang imbestigasyon sa child sexual abuse cases, libo-libo pala ang biktima ng mga lider-simbahan na mga menor-de-edad, karamihan ang kalalakihan sa nakalipas na 70 taon.

May kabuuang 330,000 bata ang biktima ng child abuse ng mga lider-simbahan at nasa 216,000 dito ang sinamantala sa pagiging inosente sa sex, ni-rape at iba pa ng mga bading na pari at obispo.

Naganap ang mga ito sa mga kombento, sa mga seminaryo, sa mga eskwela at mga okasyong gaya ng youth training, cursillo at iba pa.

MAHAL NA KABAYARAN

Kabilang sa pagbabayad sa mga utang ng mga lider-simbahan ang pamimigay ng mga danyos sa anyo ng salapi mula sa $7,806 hanggang sa 58,548.

Kalakip nito para sa iba ang therapy sa mga nabaliw o nasiraan ng loob, seminar upang makalimot sa bangungot sa pang-aabuso at pagkakaroon ng maayos na kinabukasan.

Makaraang buksan ang imbestigasyon simula nitong nakaraang taon hanggang sa nakaraang mga buwan, nasa 1,000 agad ang nag-aplay para kumubra ng danyos na salapi at iba pa.

Ngunit mabagal ang pamimigay ng bayad-pinsala dahil na rin sa hirap ng imbestigasyon na kailangang indibidwal ang paraan.

May mga hindi pupwedeng kumubra dahil nalipasan na sila ng panahon na humiling o kaya’y pumanaw na at hindi na makukunan pa ng mga salaysay para mapatunayan ang mga pang-aabuso ng mga lider-simbahan.

Nagtagumpay naman ang ilang akusadong lider-simbahan na pagtakpan ang kanilang mga krimen habang namayapa na rin ang ilan sa mga naakusahan.

Sa libo-libong lumantad na biktima, nasa 23 pa lang ang nabibigyan ng bayad-pinsalang salapi.

SA PILIPINAS KAYA?

Hindi kaila sa lahat na marami talaga ang bading na paring Pinoy at may mga nakaabot pa nga sa posisyong obispo.

May cardinal din kaya?

Nagtatanong lang po.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pang nalalantad na pang-aabuso ng mga ito.

Kung may nalalantad man, walang iba kundi ang mga may-asawa ngunit nananatiling nakasiper ang bunganga ng mga nakaaalam sa katotohanang ito.

Kaya naman, tuloy-tuloy ang pagbibinyag nila sa sarili nilang mga anak at may mga ninong at ninang pa.

May mahihilig din sa mga menor-de-edad na kababaihan at nalantad na sa pagdadala ng mga ito sa kanilang mga biktima sa mga hotel o motel.

At may binaril at napatay na rin…kung totoo ang mga gawa ng mga Marites.

MAGANDANG HALIMBAWA

Mabuti’t may pag-amin ng pagkakamali ang Simbahang Katolika sa France at boluntaryong isinailalim ang sarili nito sa mga imbestigasyon.

Magandang paraan ito para malinis ng simbahan ang mantsa sa abito ng mga pari at obispo at maituwid na rin nito ang lihis na landas sa pananampalataya.