Pagwasak ng mga expired goods na donasyon para sa Yolanda victims – kinondena

Pagwasak ng mga expired goods na donasyon para sa Yolanda victims – kinondena

October 7, 2018 @ 1:26 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinastigo ni Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez ang Cebu Bureau of Customs’ (BoC) dahil sa kabiguang maisalba ang mga goods na donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nasa mga container pa bago man lamang ma-expire

“Sana hindi malaman iyan ng ating Presidente kasi siguradong magagalit iyun. The President all the way down to the victims will definitely abhor and condemn this. It’s like a mortal sin that should not have happened. It just needs common sense at dapat inilabas iyan. Maling-mali iyun.”

Nanawagan din si Romualdez sa Department of Finance na huwag nang ulitin ang kapabayaang ito.

Dahil dito, muling nanawagan si Romualdez, isa sa mga may-akda ng panukalang Department of Disaster Resilience (DDR)  sa mga senador na bilisan na rin ang pagpapasa sa nasabing panukala.

“I can’t believe that the Bureau of Customs allowed this to happen when thousands of Filipinos suffer from hunger every day. Nakakasakit ng puso na marinig ito. This is another insult to Yolanda victims five years after the tragedy,”ayon pa kay Romualdez, chairperson ng House committee on accounts.

Ang DDR ang siyang aaksyon sa mga pagkakataong sinasalanta ng kalamidad ang bansa at hindi na kailangang magturuan pa ang mga opisyal ng gobyerno.

Higit aniyang nakalatag ang mga alituntunin at panuntunan gayundin ang koordinasyon maging sa pamamahagi ng relief goods.

Nitong Miyerkules ay sinira ng BoC sa Mandaue City, Cebu ang mga sirang goods gaya ng damit,diapers, toiletries, medical supplies at de lata mula sa Belgium, Norway at United States (US).

Ikinairita ni Romualdez ang pahayag ni BoC-Cebu Chief of the Auction and Cargo Disposal Division na si ElmerBailio na hindi nailabas ang mga goods dahil sa kawalan ng tax exemption mula sa DoF.

Sinabi naman ni BoC-Cebu District Collector Elvira Cruz na hindi na rin dapat gamitin  ang mga goods dahil ito ay expired na. (Meliza Maluntag)