Pahayag ng SG na COVID hotspot ang Pinas pinalagan

Pahayag ng SG na COVID hotspot ang Pinas pinalagan

August 6, 2020 @ 12:07 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinalagan at itinuturing na ispekulasyon ni Testing Czar Secretary Vince Dizon ang ulat ng isang pahayagan sa Singapore na hotspot na ng coronavirus disease 2019 o COVID 19 sa Asya ang Pilipinas.

Sinabi ni Dizon, isang speculative statement ang inilabas ng naturang dayuhang pahayagan na mahirap bigyan ng komento.

Ani Dizon, hindi naman kataka-taka kung dumami nga ang naitatalang kaso ng COVID 19 sa bansa gayung marami na ang na-trace at sumalang sa testing.

Sa katunayan ani Dizon ay ang Pilipinas na ang pinakamaraming nagagawang test kada araw sa South East Asia.

Aniya, kung ikukumpara halimbawa sa South Korea at Singapore ay halos kalahati lang ng daily COVID test ang nagagawa ng dalawang nasabing magkalapit na bansa.

Ang mahalaga ayon sa testing czar ay makapag sagawa ng maraming testing upang sa gayon sa pamamagitan nito ay matutukoy kung sino ang dapat na mai- isolate at mabigyan ng kaukulang atensiyong medikal. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...