Pahayag ni James Reid kay Nancy McDonie, nag-viral!

Pahayag ni James Reid kay Nancy McDonie, nag-viral!

February 13, 2021 @ 9:57 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Marami ang nag-react sa video clip na ipinost ng isang JaDine fan kung saan tinanong si James Reid ng isang faney tungkol sa ABS CBN series na “The Soulmate Project” na nakatakda sanang pagtambalan nila ni

Nancy McDonie ng South Korean girl group na Momoland.

Ang nasabing video na pinamagatang “Hangout with James Reid” ay ipinalabas sa Kumu channel ng TaxWhizPH.

Maikli lang ang sagot ni James subalit nag-viral ito.

“Soulmate… I won’t be doing Soulmate,” sey niya.

Marami ang nanghinayang dahil hindi na matutuloy ang tambalan ng dalawa.

Sey nila, ito na raw sana ang pagkakataon para makabalik ang aktor sa limelight bago tuluyang mawala ang istrelya.

Hirit naman ng iba, hindi kawalan si James kay Nancy dahil kahit iba ang kapareha nito ay tatanggapin ang South Korean star ng kanyang mga faney. Bukod pa rito, waley na raw ang ‘matinee idol’ status ni James at tila ay napaglipasan na ng panahon.

Kung ikukumpara raw si Nancy kay James ay malayo dahil humahataw pa rin ang karera ng singer/actress lalo na ng Momoland.

Matatandaan na noong 2019, inanunsyo ng ABS-CBN ang tambalan nina James at ng K-Pop star sa “The Soulmate Project.”

May mga lumutang na tsika na bantulot ang Fil-Aussie actor na ituloy ang nasabing proyekto at ang dahilan ay baka magselos si Nadine Lustre na girlfriend at ka-loveteam niya noon.

May mga pagkakataon ngang sinaway pa ni James ang mga fans na tinatawag ang tandem nila ni Nancy na JaNcy. Ayon sa kanya, isa lang ang love team niya at iyon ay ang JaDine.

Sa inilabas na teaser ng ABS-CBN, kasali pa rin ang nasabing series sa 2021 offerings ng Kapamilya Channel pero hindi pa malinaw kung sino na ang magiging leading man ni Nancy. Archie Liao


  •  
  •  
  •