Pahayag ni JP dela Serna sa powder drugs sa Dacera case, binawi  

Pahayag ni JP dela Serna sa powder drugs sa Dacera case, binawi  

January 13, 2021 @ 5:40 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binawi niJP dela Serna, isa sa respondent ng Christine Dacera case ang kanyang pahayag tungkol sa ‘powder drugs’ noong New Year’s Eve celebration.

Naunang naireport na sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Dela Serna na may dala si Mark Anthony Rosales na powder drugs at niyaya siyang gumamit nito.

Ngunit sinabi ni Abby Portugal, isa sa abogado ni Dela Serna at apat pang respondents na nagkaroon ng pressure mula sa Makati police.

“The powder issue insinuating drug use actually came from the mouth of the PNP Makati,” lahad ni Portugal.

“It was added by them after subjecting the two detained to mental torture and misrepresentations that they will be released from detention and that no charges will be filed against them.”

“They did not see any drugs. As per Rommel Galido, he was just told by Christine that she thinks that drug (illegal) was mixed in her drink… so purely hearsay,” saad pa ng abogado sa GMA News Online.

Dinepensa ni Portugal na walang alam si Galido kung ito ay totoo.

“What was told in the media is the truth. Freely given by the five respondents. They were not coached by us (lawyers),” pahayag pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •