Paid subscription sinimulan na ng Twitter

Paid subscription sinimulan na ng Twitter

November 6, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Twitter ang kontrobersyal na paid subscription system makaraang mapasakamay ito ng bilyonaryong si Elon Musk.

Nagresulta ito upang mabahala si UN rights chief Volker Turk na baka makaapekto ito sa karapatan ng mga tao.

“Twitter has a responsibility to avoid amplifying content that results in harms to people’s rights,” ani Turk sa isang bukas na liham.

Dagdag pa nito ang balitang tinanggal ni Musk sa trabaho ang kabuuan ng human rights team ng kompanya.

Humingi naman ng paumanhin si Jack Dorsey, co-founder ng Twitter sa 2006 at nagbitiw sa pwesto bilang CEO noong nakaraang taon.

“I realize many are angry with me,” ani Dorsey.

Matatandaan na nitong Biyernes, Nobyembre 4 ay ipinakilala ni Musk ang kanyang flagship project na Twitter Blue subscription option. RNT/JGC