PAIHI SA LAY BAY NG STAR TOLLWAY, PATULOY

PAIHI SA LAY BAY NG STAR TOLLWAY, PATULOY

July 14, 2018 @ 6:03 PM 4 years ago


BALIKAN natin ang patuloy pa ring talamak na opera­syon ng “paihi” sa Star Tollway sa Lay Bay Parking mula sa Batangas City, Ibaan, San Jose, Lipa City, Malvar, Tanauan City hanggang Sto. Tomas, Ba­tang­as.

Ayon sa ating source, hang­gang ngayon ay pa­tuloy pa rin daw ang operasyon ng paihi ni alias Dan na sina­sa­­bing pinakamalaking opera­tor na taga-San Pedro,  isa sa may kontrol ng pag­buburiki ng gasolina mula sa mga dineliber ng mga oil tan­ker.

Kinikilala si alias Dan na i­­sa sa mga sindikato ng “pa­ihi” sa Star Tollway ng Lay Bay Parking sa SLEX na na­ging milyonaryo sa pagpapa-ihi ng gasolina.

May kakumpetensiya rin si­ya sa negosyong ito na isang alias Roy F. na taga-Brgy. Ba­wi, Padre Garcia, Batangas na umeerya rin sa Lay Bay Par­k­ing ng SLEX. Ang kanyang operasyon ay depende sa kontak nitong sindikato.

Binansagan din ang mga sin­dikato ng “Buriki Sahod Tanker.” Nagkukunwari na nasiraan at nagkukumpuni ang mga oil tanker sa kahabaan ng SLEX at ipa-park sa Lay Bay ang tanker. Kunyari ring nire-rescue ang nasi­rang tanker pero ang totoo pinaiihi ang mga ito ng 200 litro kada tanker.

Kasabwat ng sindikato ang ilang tiwaling highway pat­rol ng Star Tollway kaya pro­tektadong-protekado ang o­perasyon ng paihi nila sa ha­lip kasi na sa mga warehouse nila dalhin ang mga oil tank, mismong sa highway na lang ino-operate para hindi disimulado .

Dapat kumilos ang kinauukulan dito lalo na si Region-4A RD Gen. Edward Ca­ranza sa ginagawang pananabotahe sa ekonomiya ng gasolina at langis ng mga sindikatong si­na Roy F at alias Dan ng San Pedro, Laguna.

BAKIT UNTOUCHABLE

Sa Cavite na kaharian ni PD Supt. William Segun, isa sa mga iti­nu­­turing na “untouchable” na may-ari ng sak­la­­ang may pa­tay at walang pa­tay si alias Erick Saklador. Sa hindi malamang dahilan, hindi g­­ina­ga­­­law ng kapulisan ni PD ang pasaklaang ito.

Hindi ko sinasabing may ‘lingguhan’ si PD kaya ganoon na lang kalakas itong si alias Erick Saklador sa kanya.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] yahoo.com o [email protected]

– JUAN DE SABOG