PAKIKIRAMAY SA PINATAY NA NPA

PAKIKIRAMAY SA PINATAY NA NPA

February 4, 2022 @ 10:19 AM 8 months ago


BUMULAGA sa akin ang balita nang ang ama ng aking kaibigan at katrabaho sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Butuan City Chapter ay pinasalang ng mga walang awang New People’s Army (NPA) noon lamang isang linggo.

Inulila ng pamamaslang ng mga hunghang na NPA si John Harold Alvarez at ang iba pa niyang mga ka­patid. Kasa-kasama ni John ang kanyang ama na si Severino Alvarez sa KKDAT para balikatin ang pakikipaglaban sa iligal na droga at kumunismo, ‘di lang sa kanilang lugar kundi sa buong bansa.

Ngunit tinalo pa rin sila ng kasamaan ng CPP-NPA-NDF, nang walong armadong miyembro ng komunistang-teroristang samahan ang walang habas na nilooban ang kanilang tahanan noong gabi ng January 24, 2022 at sa kanilang harapan ay pinatay ang kanilang amang si Severino, na ang dahilan ng mga demonyong NPA ay nagbibigay raw kasi ng impormasyon sa mga mi­litar ang ama ni John.

Ulilang lubos na nga­yon sina John at kanyang mga kapatid dahil maagang pumanaw rin ang kanilang ina.

Bilang adviser ng KKDAT at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), mariin kong kinukundiena ang masamang gawaing ito ng mga NPA. Kaisa ko rito ang KKDAT Caraga, ang kademonyohang ito ng CPP-NPA-NDF sa pa­milya Alvarez ay ‘di k­a­tang­gap-tanggap. Ang walang halagang pagpatay para lang maisulong ang pinapangarap na maling idolohiya ang magbibigay sa inyo ng kaparusahan.

Ilan buhay pa ang inyong kikitilin at sasaya­ngin bago magwakas ang inyong walang kwentang isinusulong na komunismo?

Nakadidismaya ang pagpapakitang ito ng mga CPP-NPA-NDF ng karu­maldumal na paghahari-harian.

Alam kong kaya niyo ito ginagawa ay para laang maipakitang mayroon pa kayong lakas.

Ngunit nakasisiguro kami sa NTF-ELCAC na nalalapit na ang katapusan ng komunistang-te­rorista niyong samahan.

Kakaunti na lang din ang inyong pwersa at nasukol na ng militar ang karamihan, kaya nga nagsisuko na lang ang ka­ra­mihan sa inyong sama­han.

Sisiguraduhin ng NTF-ELCAC na makakamit ng pamilyang Alvarez ang hustiyang magbibigay parusa sa mga gumawa ng kalapastanganang ito.

Taos puso rin ang ipinaaabot kong pakikiramay sa iyo John Harold at sa iyong mga kapatid.

Makaaasa ka, kaibigan, na ‘di titigil ang NTF-ELCAC sa paghahanap ng hustisya para sa inyong mga naulila.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!