Pakistan isinailalim sa PH COVID yellow list

Pakistan isinailalim sa PH COVID yellow list

December 31, 2021 @ 5:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilagay ng pamahalaan ng Pilipinas ang Pakistan sa ilalim ng yellow list o moderate risk mula sa green list o low risk mula Enero 1 hanggang 15, 2022 sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, base sa Malakanyang nitong Biyernes.

Inanunsyo ito ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles isang araw matapos niyang ilahad ang anim na bansa na isinailalim sa red list o high risk kabilang ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia at Spain mula Enero 1 hanggang 15, 2022.

Pinapayagang makapasok ng bansa ang mga biyahero sa ilalim ng yellow list basta at makapagpapakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test pagdating sa bansa, at sumailalim sa mandatory seven-day facility-based quarantine, kung saan magsasagawa ng RT-PCR test tsa ika-limang araw ng quarantine.

Ang mga magkakaroon ng negatibong resulta ay tatapusin ang kanilang 14-day quarantine sa bahay.

Samantala, hindi naman makapapasok ng bansa ang mga mula sa red list countries, maliban na lamang kung kabilang sila sa overseas Filipino workers repatriation flights.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng apat na kumpirmadong kaso ng Omicron variant ssa bansa. RNT/SA