Pakiusap ni Ogie: ‘wag husgahan si James!

Pakiusap ni Ogie: ‘wag husgahan si James!

June 1, 2022 @ 9:00 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Effective nga nu’ng katapusan ng Mayo ay hindi na si Ogie Diaz ang business manager ni Liza Soberano.

Eleven years ding hinawakan ni Ogie ang showbiz career ni Liza.

Kasabay nito, opisyal na ring hawak ni James Reid at ng team nito si Liza, bagay na noong una raw ay hindi kinlaro ng aktres sa kanya.

Gayunpaman, maayos daw ang kanilang paghihiwalay.

Open pa rin daw ang lines of communication sa pagitan nina Ogie at Liza.

Nauunawaan naman daw ni Ogie ang Hollywood dream ng dating alaga.

Pero duda ang marami kung magiging isang mahusay na manager daw si James.

Dito na dumepensa si Ogie.

Unang- una raw, hindi lang si James kundi ang buong team nito ang hahawak kay Liza.

Masyado rin daw maaga para husgahan ang abilidad ni James.

Basta ang alam ni Ogie, hindi pababayaan ni James si Liza dahil close friend naman niya ito at maging ang dating karelasyong si Nadine Lustre.

Kung tutuusin, praktikal lang ang pananaw ukol kay James.

‘Ika nga, Rome was not built in a day.

Malay naman natin kung may magic sa pagma- manage si James? Ronnie Carrasco III