Pakulo sa pagpapalakas ng vax efforts, paghandaan- Vergeire

Pakulo sa pagpapalakas ng vax efforts, paghandaan- Vergeire

September 14, 2022 @ 10:41 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno na tulongan ang DOH na magpatupad ng mga polisiya na makakatulong sa kanilang vaccination efforts.

Sinabi ni Vergeire na kabilang rito ang interventions para sa incentives at intervention para naman sa disincentives.

Kasama aniya sa mga panukala halimbawa sa mga turista, sa mga nagpupunta sa mga tourist destination na hingan ng kanilang card na may booster dose para makarating sa ibang lugar.

Maari rin aniyang magbigay ng perks ang Department of Tourism kung sino ang boosted ay mabibigyan ng extra perks kapag nagpunta sa ibang lugar o mga tourist spots.

Gayundin sa iba pang ahensya tulad ng transport sector na maaring magbigay ng additional incentives sa mga boosted individuals pagdating sa public transport.

Sa ngayon nagpapatuloy ang kampanya ng national government at DOH na hikayatin ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shots upang lalong maprotektahan ang kalusugan sa mga sakit lalo na sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden