PAL flight attendant natagpuang patay sa hotel

PAL flight attendant natagpuang patay sa hotel

January 3, 2021 @ 2:57 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malaking palaisipan ngayon sa pulisya at pamilya ng isang babaeng flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) ang kanyang pagkamatay matapos matagpuang wala nang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong Bagong Taon.

Ayon sa pulisya, hinala ng pamilya ng biktima na may foul play sa pagkamatay ng dalaga base sa nakita nilang mga pasa at sugat sa kanyang binti at hita.

Naniniwala ang pamilya na pinatay ang kanilang anak na ngayon ay nasa pangangalaga ng punerarya at nakatakdang iuwi sa kanilang lalawigan sa Martes o Miyerkoles.

Base sa imbestigasyon ng Makati City Police Station, ang biktima ay natagpuang nakahiga sa bathtub ng inupahang Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati Avenue ng kaibigang si Rommel Galida, bandang 12:30 ng tanghali.

Ilang beses umanong tinangka ni Galida na gisingin ang biktima subalit hindi tumitinag ang dalaga kaya tinawagan na niya ang mga kaibigang sina Gregorio Angelo de Guzman at John Dela Cerna na mabilis tumawag sa management ng hotel kaya isinugod sa clinic ang flight attendant, ayon sa mga pulis.

Maging ang chief security ng hotel ay nagsagawa ng cardio pulmonary resuscitation aa biktima, subalit hindi pa rin ito natitinag at nang pulsuhan ay wala nang tibok at wala nang buhay.

Ayon sa source ng Remate na ayaw pakilala, nakita sa CCTV ng hotel, bandang 6:00 ng umaga ng Enero 1, ang biktima na bitbit ng dalawang lalaki mula sa Room 2207 patungo sa Room 2209.

Hiniling ng pamilya sa Philippine National Police na magsagawa ng mas malalilam na imbestigasyon sa kaso. Lea Botones


  •  
  •  
  •  

Loading...