PAL nagpaalala sa umiiral na ‘pork ban’ sa domestic flights

PAL nagpaalala sa umiiral na ‘pork ban’ sa domestic flights

September 10, 2022 @ 4:29 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa mga pasahero nito na umiiral pa rin ang ban o pagbabawal na magdala ng mga pork products sa mga domestic flights nito.

Ito ay bahagi pa rin ng kanilang ambag upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.

“We wish to remind everyone that it is prohibited to carry any type of pork, including pork-related products and by-products, whether raw, processed or cooked, in hand-carry and/or checked-in baggage when flying to the following domestic destinations,” pahayag ng PAL ngayong Sabado, Setyembre 10.

Kabilang sa mga flights na mayroong pork ban ay ang mga sumusunod:

Bacolod (BCD)
Butuan (BXU)
Cagayan de Oro (CGY)
Caticlan (MPH) – except when coming from another point in the Visayas region
Davao (DVO)
Dipolog (DPL)
General Santos (GES)
Iloilo (ILO)
Kalibo (KLO)
Puerto Princesa (PPS)
Roxas (RXS)
Tagbilaran (TAG)
Antique (EUQ)
Zamboanga (ZAM)

Mananatili ang ban hangga’t hindi sila inaabisuhan ng mga lokal na pamahalaan na alisin ito. RNT/JGC