PAL pasok sa most ‘on-time’ carriers sa Asia-Pacific Region

PAL pasok sa most ‘on-time’ carriers sa Asia-Pacific Region

January 12, 2023 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines-  Itinuturing ang flag carrier ng bansa bilang isa sa “most punctual airlines” sa buong mundo.

Ipinalabas ng Cirium, isang analytics company para sa aviation and travel, ang performance report para sa airports at airlines noong  2022.

Pinamagatanag “The On-Time Performance Review 2022: Airlines and Airports”, nakasaad sa report ang ilang insights sa airlines at airports na nagpakita ng operational excellence noong  nakaraang taon.

Pang-apat ang Philippine Airlines sa listahan ng top-performing network airlines sa Asia-Pacific Region.

Nakakuha ang PAL ng 76.42% on-time arrival para sa 76,308 ng kabuuang flights nito. Mayroon din itong 77.13% score para sa on-time departures.

Sa kabuuan, narito ang most punctual airlines sa rehiyon:

  • All Nippon Airways (ANA) – 89.79% para sa 278,600 flights

  • Japan Airlines (JIL) – 89.39% para sa 278,931 flights

  • Malaysia Airlines – 81.17% para sa 98,673 flights

  • Qantas – 68.43% para sa 235,808 flights

  • Virgin Australia – 66.69% para sa 132,735 flights

Nangangahulugana ng network operation airlines na “operated by a major airline and include flights marketed by the airline but operated by an airline partner.”

Naglabas din ang Cirium ng hiwalay na listahan para sa mainline operation airlines sa Asia at Pacific. Tumutukoy naman ito sa entities “operated by a major airline.”

Hindi naman napabilang ang PAL o anumang flag carrier sa ranking na ito.

Kasama sa top five performers sa mainline airlines ang mga sumusunod:

  • Thai Air Asia (FD)

  • ANA

  • JAL

  • Juneyao Airlines

  • IndiGo

Ipinaliwanag ng Cirium na nangangahulugan ang on-time arrival criterion nito na “a passenger flight/aircraft arrives at the gate within 15 minutes of the scheduled arrival time.” 

Inihayag naman ng ilang Pilipino online ang pagkakabilang ng PAL sa listahan.

“That erases the stigma of being called ‘Plane Always Late’. Congratulations,” anang isang Facebook user.

“Congratulations and kudos to the new management!” komento ng isa pang netizen. RNT/SA