Palasyo, bumuo na ng presidential transition committee

Palasyo, bumuo na ng presidential transition committee

May 4, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumuo na ang Malacañang ng transition committee na mangangasiwa sa pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon, dalawang buwan bago ang pagbaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, pamumunuan ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea na siyang maghahanda at magpapatupad ng transition plan ng Office of the President.

Gayunpaman, wala pang impormasyon ang Palasyo kung sino-sino ang miyembro ng komite.

Nakatakdang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte sa Hunyo 30. RNT/ JCM