Palasyo dumistansya sa ‘di nasusunod na health protocols sa political caravans

Palasyo dumistansya sa ‘di nasusunod na health protocols sa political caravans

December 11, 2021 @ 9:02 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Maingat ang Malakanyang na batikusin ang kahit na sinuman kaugnay sa sinasabing pambabalewala sa minimum public health standards (MPHS) sa panahon ng political caravans at rallies na nangyari at magaganap sa 2022 elections aspirants.

“I’d like everybody to understand that it’s everyone’s responsibility,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa virtual press briefing, tinanong si Nograles sa kung ano ang magiging hakbang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa political mass gatherings kapag ang MPHS gaya ng physical distancing ay kapansin-pansin na hindi masusunod.

Sa halip na direktang sagutin ang tanong, mas pinili ng Malakanyang na paalalahanan ang rallyist-supporters, local government units (LGUs), event organizers, at mga aspiring candidates na may kinalaman sa caravans na i-obserba ang MPHS at iba pang kaugnay na protocols.

Kabilang na rito ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), pagsusuot ng face masks, pag-obserba sa physical distancing, at proper hygiene.

“We really need the support and cooperation ninyo, iyong mga supporters na pumupunta sa mga events na iyan,” ayon kay Nograles.

“Sa mga LGUs – local government units, local chief executives – alam ninyo naman po kung—itong mga naging challenging months and weeks para mapababa natin itong bilang ng COVID. Huwag nating sayangin lahat ng accomplishments natin.”

Kabilang naman sa mga poll aspirant na nakahakot ng malaking bilang ng tao sa poltical caravans at rallies na nakita via social media–ay si presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tatakbo bilang bise-presidente.

Siya ay running mate ni presidential aspirant, dating Senador Bongbong Marcos.

At nang tanungin kung ano ang gagawin sa mga lalabag sa health protocols, sinabi ni Nograles na “The DILG (Department of Interior and Local Government) right now is currently doing its assessment, nakikipag-ugnayan sa lahat ng mga LGU.”

“We are now consistently and constantly reminding ‘no lahat ng mga LGUs. Kasi pagdating kasi sa grounds, it’s really the LGUs that have the—they’re our first line of defense in terms of the implementation of all of the guidelines, protocols, resolutions ‘no, lahat ng mga pinaiiral natin, ang mga kailangan nating gawin,” paliwanag ni Nograles.

At sa pangungulit kung ang mga aspiring candidates ay dapat ding panagutin sa posibleng magiging paglabag sa MPHS sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, iwas-pusoy naman si Nograles na sagutin ito.

“I think this is a shared responsibility of everyone…I hope that we take our shared responsibility seriously given na ang haba na ng pinagdaanan natin ‘no for how many months in this war against COVID-19. Wag po nating sayangin ang efforts ng lahat,” aniya pa rin.

Ang panganib aniya na pagsabihan o paalalahanan ang single sector ay posibilidad na magkaroon ng finger-pointing contest. “That’s what we want to avoid.”

“Kung supporter ka ng kandidato, dapat alam mo ang repercussions din sa kandidato mo, ‘di ba? Yung candidate, ganun din. Kung mahal mo rin yung mga supporters mo, then you also have to be careful ‘no. Yung mga LGUs ganun din, mandated yung responsibility by law.”

“So we all have our role to play, we all have our responsibilities not only to ourselves but sa ating pamilya, sa ating communities, sa ating mga kababayan,” pahayag ni Nograles.

Samantala, suportado ni Pangulong Duterte ang vice presidential bid ng kanyang anak na si Mayor Sara.

Hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang napipili na susuportahan sa Palace race. Kris Jose