Palasyo magdadagdag ng laboratoryo sa mas mabilis na RT-PCR test results

Palasyo magdadagdag ng laboratoryo sa mas mabilis na RT-PCR test results

January 19, 2022 @ 5:20 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.

“We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to our returning Filipinos,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“This should be done so [that] the RT-PCR results can be released sooner,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay nagresulta ng pagdagsa ng mga specimens sa mga laboratoryo na naghihintay na ma-proseso at dahilan ng pagkaantala sa “turnaround time” para sa test results.

Sa kasalukuyang guidelines, ang mga fully vaccinated Filipino mula sa Red List areas ay required na gawin ang mga sumusunod: mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-pitong araw at kompletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-negatibo sa test.

Samantala, ang mga fully vaccinated travelers naman mula sa Yellow List countries/territories, ay required na gawin ang mga sumusunod:

Mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-limang araw at sa oras na mag-negatibo sa resulta, ang isanng byahero ay “may be released for completion of home quarantine up to the seventh day from the date of arrival.” Kris Jose