Palasyo nagbabala vs pekeng  DITO group na gumagamit ng pangalan ng kanilag exec

Palasyo nagbabala vs pekeng  DITO group na gumagamit ng pangalan ng kanilag exec

July 8, 2021 @ 6:42 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang Malakanyang laban sa mga pekeng grupo na nagpapanggap na bahagi ng DITO Telecommunity at nangongolekta ng pera na gamit ang pangalan ng kanilang opisyal.

Batay sa pahayag, sinabi ng Palasyo na may nagpadala ng reklamo sa Office of the President na may gumagamit umano ng pangalan ni  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes Secretary Leoncio Evasco, Jr. upang makakolekta ng P500,000.

“The fraudulent individuals who go by the names of David Shaun Garcia, Alex Dumay, and Alimoden Sangcopan, are affiliated with Geo Dumay SAQ & Permitting Team — a joint venture between Dumay Builders and Geo-Tech Document Facilitation Services. The group are the supposed accredited contractors of DITO Telecom, and were appointed by Secretary Evasco to collect the said fee,” saad sa kalatas.

Paglilinaw ni Evasco, wala siyang kinalaman at hindi siya konektado sa kahit anong grupo na may kaugnayan rito.

Hinikayat naman ang publiko na may impormasyon tungkol sa naturang scheme na magreklamo sa  Presidential Complaint Center sa pamamagitan ng pagtawag sa 8736-8645 o pagpapadala ng mensahe sa [email protected]

Gayundin ay maaaring dumulog sa Anti-Fraud Division of the National Bureau of Investigation na matatawagan sa 8525-4093 o [email protected]

“The national government is not involved in any type of business activities and negotiations with the agents and representatives of the said telecommunications company.” RNT/FGDC