Palasyo nagpasalamat sa pangunguna ng mag-amang Duterte sa survey

Palasyo nagpasalamat sa pangunguna ng mag-amang Duterte sa survey

July 14, 2021 @ 1:51 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Malakanyang sa taumbayan sa tiwalang ibinigay kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Dutert-Carpio.

Ito’y matapos manguna ang mag-ama sa Pulse Asia survey na may kinalaman sa posibleng kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.

‘Iyan ay nagpapakita na kahit na anumang ipukol ng mga kritiko sa kanya (Pangulong Duterte) ay patuloy na nagtitiwala, at naniniwala ang sambayanang filipino sa liderato po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ulat, sa survey ng Pulse Asia, nakakuha ang presidential daughter ng 28 percent; Manila Mayor Francisco Domagoso 14 percent; dating Senator Ferdinand Marcos Jr. 13 percent; Sen. Grace Poe 10 percent; Sen. Manny Pacquiao 8 percent; Vice President Leni Robredo 6 percent; Sen. Panfilo Lacson 4 percent; at Sen. Bong Go 3 percent.

Tig-2 percent naman sina dating Vice President Jejomar Binay; Cong. Alan Peter Cayetano at dating Senator Antonio Trillanes IV.

Sa pagkabise president naman, nakakuha si Pangulong Duterte ng 18 percent; Domagoso 14 percent; Sen. Vicente Sotto 10 percent; Pacquiao 9 percent; Cayetano 8 percent; Sorsogon Gov. Chiz Escudero 7 percent; Go 5 percent; Willie Revillame 4 percent; Sen. Sonny Angara 3 percent.

Tig-2 percent sina DPWH Sec. Mark Villar at Trillanes habang 1 percent si dating Defense Sec. Gilbert Gibo Teodoro.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 7 hanggang 16 sa 2,400 na adult respondent. Kris Jose