Palasyo nanindigang ginagawa ang ‘excellent job’  



Palasyo nanindigang ginagawa ang ‘excellent job’  

March 15, 2021 @ 7:40 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Iginiit ng Malakanyang na ang kanilang ginagawa ay ‘excellent job’ pagdating sa mga hakbang laban sa COVID-19 response bago pa muling lumobo ang kaso ng COVID.

“Well, until sumipa po ang mga kaso natin, we were really doing a very good job, an excellent job. Napansin niyo naman talaga itong pagtaas, kailan lang po talaga nangyari ito, mga nakalipas na araw,” lahad ni presidential spokesperson Harry Roque

“At ayoko nga po sisihin, ayaw ko po sabihin na nagpapabaya ang mga Pilipino. Meron po talagang kinalaman itong mga bagong variants na lumalabas.”

“Napababa po talaga natin ang kaso. Nitong Marso lang sumipa muli,” pahayag pa ni Roque.

“At bagamat paulit ulit ko sinasabi na hindi po ako eksperto, hindi po ako dalubhasa, hindi ako scientist, hindi ako doctor, tingin naman yung kumpirmasyon na nasa Pilipinas na yung mga bagong variants at itong mga variants ay mas nakakahawa, e ito’y isa sa mga dahilan ng surge. Hindi po dahil palpak ang gobyerno.”

Sa kabila naman ng paglobo ng bilang ng virus, sinabi ni Roque na malabong bumalik sa mahigpit na quarantine measure. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •