Palasyo pumalag, itinatwa na may pinapaborang lugar sa pamamahagi ng Pfizer COVID vax

Palasyo pumalag, itinatwa na may pinapaborang lugar sa pamamahagi ng Pfizer COVID vax

May 28, 2021 @ 3:10 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Pinalagan ng Malakanyang ang ulat na tila may pinapaborang lugar ang pamahalaan pagdating sa pamamahagi ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa public briefing na ipamamahagi talaga ang Pfizer sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao dahil ang mga lugar na ito ay mayroong sub-zero storage na kailangan para sa bakuna.

“This is not playing favorites. Realidad lang po iyan because Pfizer is made for First World country condition…I think the is at -40 degrees Celsius and storage facilities for that are in Metro Manila, Metro Cebu, and Metro Davao so that is the destination of Pfizer,” lahad ni Sec. Roque.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong 8 milyong doses ng COVID-19 vaccines. Sa nasabing bilang, 5 milyong doses ang Chinese vaccine Sinovac, habang ang Pfizer-BioNTech doses na dinonate ng global initiative COVAX facility ay umabot lamang ng 193,000 doses.

Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na bumili ang Pilipinas ng 40 milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines, subalit ang delivery date ay hindi pa rin madetermina sa ngayon.

Batay sa pagsusuri ng Philippine FDA, ang Pfizer-BioNTech ay mayroong efficacy rate na 95% sa study population at 92% sa iba’t ibang lahi.

Ang rates na ito ag kinukonsiderang pinakamataas sa hanay ng mga COVID-19 vaccine brand na binigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Philippine Food and Drug Administration.

Ang brands na may EUA ay kinabibilangan ng Pfizer-BioNTech AstraZeneca, Sinovac, Janssen, Moderna, Covaxin at Sputnik V. Kris Jose