Palasyo sa Bloomberg: Economic growth, ‘best indicator’ ng resilience ng Pinas

Palasyo sa Bloomberg: Economic growth, ‘best indicator’ ng resilience ng Pinas

January 28, 2022 @ 3:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Malakanyang ang financial at media company na Bloomberg na tingnan ang economic growth ng bansa pagdating sa pagsukat sa resilience ng Pilipinas.

Ito kasi ang best indicator ng resilience ng bansa sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na muli ay makopo ng Pilipinas ang huling puwesto o pagiging kulelat sa hanay ng 53 bansa sa isinagawang COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg.

Ito ang pangatlong pagkakataon sa loob ng limang buwan na nakuha ng Pilipinas ang nasabing huling pwesto.

Ang resiliency score ng Pilipinas ngayong buwan ay 48.4, pigura na mas mababa sa 52 na nakuha ng bansa noong Disyembre ng nakaraang taon.

Dahil dito, hinikayat ni Nograles ang Bloomberg na ikunsidera ang economic growth ng bansa kapag nagsasagawa ng kanilang pag-aaral.

“Dapat ang tignan ng Bloomberg ay ang economic growth ng bansa. ‘Yan po ang pinaka the best indicator na basis natin for resilience in any country,” ayon kay Nograles.

Tinukoy ni Nograles ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lumago ng 7.7% sa fourth quarter ng 2021, dahilan para ang full year-year GDP growth ay pumalo sa 5.6 percent.

Maliban dito, ang forecast para sa economic growth ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 7 hanggang 9% ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) at iba pang iginagalang na mga institusyon gaya ng Goldman Sachs.

“Let the number speak for itself. That is the clearest indication of the resilience of the Philippines amidst the COVID-19 pandemic,” ani Nograles.

Araw ng Huwebes, sinabi ni Nograles na “Philippine economy continues to beat expectations following reports of the economy’s growth during the last quarter of 2021.

“The Palace views the growth of our economy as evidence of the strength and resilience of the Philippine economy,” aniya pa rin.

“[The economy] continues to beat expectations despite the challenges brought about by the COVID-19 pandemic and natural calamities like Typhoon Odette,” dagdag na pahayag ni Nograles. Kris Jose