Palasyo sa business owners: 13th month pay ibigay

Palasyo sa business owners: 13th month pay ibigay

October 14, 2021 @ 6:16 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – PINAALALAHANAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kompanya na walang “exceptions” pagdating sa pagpapalabas ng 13th month pay sa mga empleyado kahit pa sa gitna ng pinahabang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Ang sagot po ay hindi dahil yan po ay batas,” ayon kay Sec. Roque sa kanyang virtual press briefing na ang tinutukoy ay responsibilidad ng mga lokal na kompanya sa pabibigay sa kanilang mga manggagawa ng 13th month pay.

Subalit, hindi aniya ito nangangahulugan na hindi tutulong ang gobyerno sa mga maliliit na industriya na mapadali ang pagbabayad sa holiday season benefit.

“Dahil alam natin na maraming small and medium-scale industries na nahihirapan nga po dahil nag-lockdown nanaman tayo, eh magbibigay naman po ang assistance ang ating gobyerno sa pamamagitan ng small business corporation, ‘no,” ani Sec. Roque.

“Para doon sa mga small and medium-scale industries na kinakailangan ng tulong pambayad sa 13th month pay.”

Samantala, sinabi naman ni Presidential Adviser on Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na kailangan ng ga kompanya ng malakas na “fourth quarter” upang makalikom ng sapa na pondo para makapagpalabas ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.

Ang “fourth at last quarter” ng taon ay “traditionally the strongest quarter” pagdating sa aspeto ng negosyo. Kris Jose


  •  
  •  
  •