Palasyo sa EU, US: Paghihigpit sa pagpapapasok ng dayuhan depende sa preferred COVID vax hinay-hinay  

Palasyo sa EU, US: Paghihigpit sa pagpapapasok ng dayuhan depende sa preferred COVID vax hinay-hinay  

May 31, 2021 @ 11:05 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay kailangan nang magdalawang isip ang Europa at Estados Unidos sa sinasabing hindi nito gagawing pagpapasok sa mga dayuhang bakunado ng China at Russian made vaccine.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi dapat malimutan ng dalawa na bukod sa China ang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo ay ito na aniya ang magiging largest economy on Earth.

Aniya pa, dapat na mag- isip ang Estados Unidos at Europe sa pagkukunsidera ng mga itong pigilan ang mga bakunadong foreigner ng China vaccine gayung tiyak na reresbak ang Tsina sa mga ito.

Saad ni Sec. Roque, hindi dapat maisa- isantabi na baka magkaruon ng epekto sa ekonomiya ang nasabing hakbang lalot target aniya ng lahat ang China market.

Pwede aniyang maging second largest economy sa buong mundo sa kasalukuyan ang estado ng China ngunit hindi aniya malayong manguna na ito sa malapit na hinaharap.

“Well, I think if a vaccine makes it to the WHO emergency use list, then we should not discriminate against or in favor of any of these vaccines in that list. And that’s why I think direction we’re headed for is to come up with an international agreement recognizing all those in the WHO EU list as vaccines which would be sufficient to allow international travel. Otherwise, they would be some kind of—”

“For lack of a better term, vaccine apartheid again ‘no. And we can’t actually detach economic motivations behind the preference for vaccines. If the WHO says they’re all equally effective and safe, and yet you insist on specific brands, it must be because your country is manufacturing those brands and you’re marketing your brand. See, and that’s why it’s important to have an international agreement otherwise we have apartheid all over again,” lahad pa nito.

“I think so, and of course China will also retaliate. China is only the most populous country on Earth, it is actually second largest economy but soon to be the largest economy on the Earth, and I think the Europeans and the Americans would think twice about not allowing their citizens into China since everyone is targeting the China market.” Kris Jose