Palasyo sa LGUs: Magpatupad ng patakarang anti-COVID-19 sa evacuation centers

Palasyo sa LGUs: Magpatupad ng patakarang anti-COVID-19 sa evacuation centers

October 26, 2020 @ 3:22 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Malakanyang ang local government units (LGUs) na tiyakin na ang minimum health standards ay mananatiling ioobserba ng mga inilikas na bakwit dahil sa bagyong Quinta.

“Kinakailangan din mag-obserba ng COVID-19 mitigation measures sa pamamahagi ng mga relief good at management ng evacutation center,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Giit ni Sec. Roque na bawal pa rin ang mass gatherings at inaabisuhan ang LGUs na maglagay ng designated areas na may appropriate markings.

Tiniyak ni Sec. Roque na ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong P890 milyong halaga ng food packs at standby funds.

“Activated na rin po ang quick response teams ng field offices at nakipag-ugnayan sila sa provincial at municipal disaster risk reduction management offices,” punto ni Sec. Roque.

Sa ulat, nakapagtala ng labingdalawang katao na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes.

Ito ay kasunod ng hagupit ng Typhoon Quinta.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na magsasagawa na ng search and rescue operations sa mga nawawalang indbidwal.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 9,235 na katao na naapektuhan ng bagyo at kinailangang ilikas sa kanilang tahanan.

Sa nasabing bilang, 5,704 ang nasa mga evacuation center sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at Cordillera.

3,504 naman na katao ang pawang nakituloy sa kanilang mga kaanak. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...