Palasyo sa mga Pinoy: VFA feedback ipadala via email, phone call



Palasyo sa mga Pinoy: VFA feedback ipadala via email, phone call

February 26, 2021 @ 1:50 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maaari nang makapagbigay ng pahayag ang mga Pilipino ng kanilang saloobin tungkol sa visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng United States sa pamamagitan ng phone call, text, o email.

 “Nais niyang marinig ang opinyon ng mga Pilipino bago siya magdesisyon kung ano ang kaniyang aksyong gagawin tungkol sa usapin ng Visiting Forces Agreement,” saad ni Presidential spokesman Harry Roque.

“Kung nais ninyong marinig ang inyong boses tungkol dito, huwag po kayong mag-atubili, kayo po ay magpadala ng e-mail o mensahe o kung anuman doon sa mga linya ng ating mga ahensiya sa gobyerno para makarating po kay Presidente,” dagdag pa nito.

Maaari aniyang makapagbigay ng opinyon ang publiko sa 8888 hotline.

“Ordinary mamamayan can have the say and I said there’s always the 888 and you can enter your objections or any comment that you think would help the country. Pati kami dito, matulungan ninyo,” punto pa nito.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •