Palasyo sa paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking: Not a gov’t failure

Palasyo sa paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking: Not a gov’t failure

January 28, 2022 @ 7:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Itinanggi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbagsak ng Pilipinas sa ranking sa Transparency International’s 2021 corruption perception index ay dahil sa may pagkukulang o pagkabigo ng gobyerno.

Sinabi ni Nograles na ang bansa ay naka-iskor sa ibang indicators sa nasabing usapin.

“We have the Open Budget Survey, mataas ranking natin doon.”

Aniya, titingnan ng pamahalaan ang parametro na kinonsidera sa Transparency International ranking na kailangan ng bansa para mapahusay ito.

“What we have to do na lang is to look at this particular indicator, dissect it into its elements, and see kung ano ang mga areas na,” aniya pa rin.

Sa ulat, ang Pilipinas ay bumagsak sa 117th mula sa 115th place kung saan kabilang ang 180 bansa sa 2021 corruption perception index na may score na 33 mula sa 100.

Sinabi ng Transparency International na ang score ng Pilipinas ay “is the perceived level of public sector corruption on a scale of 0-100, where zero meant highly corrupt and 100 meant honest.” Kris Jose