Palasyo wala pang tugon sa extension ng state of calamity – DOH

Palasyo wala pang tugon sa extension ng state of calamity – DOH

January 25, 2023 @ 5:59 PM 7 days ago


MANILA, Philippines – Walang pang tugon ang Malacanang sa Department of Health (DOH) sa kahilingan na palawigin ang state of calamity sa bansa na idineklara ng nagdaang administrasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

“No categorical and no official response to this request for the extension of the state of calamity,” sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa media briefing.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na ang Kagawaran ay nagsimula nang maghanda sakaling hindi payagan ang extension ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ng opisyal, na napag-usapan na ng DOH ang mga implikasyon at ang mga opsyon na maaaring gawin ng national government sa isang pagpupulong noong nakaraang Disyembre kung hindi na palalawigin ang state of calamity.

Kapwa natukoy ng DOH at ng national government na hindi maaantala ang pagpapatupad ng pagbabakuna laban sa COVID-19 kahit na hindi palawigin ang state of calamity.

“Ayon sa mga pag aaral and pag uusap during that time lumabas din naman na as according sa law, hindi mapuputol ang pagpapatupad ng pagbabakuna dahil meron tayong one year validity after the seizing of the state of calamity na pwede pang magamit ang bakuna under EUA (Emergency Use Authorization),” saad pa ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden