Palasyo walang sagot sa pagputol ng transaksyon sa PRC  

Palasyo walang sagot sa pagputol ng transaksyon sa PRC  

September 21, 2021 @ 6:29 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila – WALANG ibinigay na “categorical answer” ang Malakanyang sa kung kailan tatapusin ng pamahalaan ang transaksyon nito sa Philippine Red Cross gaya nang naunang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“What the President wants is to make Red Cross accountable. That is why he asked the Commission on Audit to audit the Red Cross,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Sec. Roque na ang Red Cross na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, ay hindi dapat pinamumunuan ng isang politiko.

“This is what happens when Red Cross is led by a politician. Humanitarian organizations should be led by non-politicians,” dagdag na pahayag nito.

Si Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee ang nangunguna sa pag-iimbestiga sa P8-bilyong pisong binili ng gobyerno na imported medical supplies mula Pharmally firm.

PInanindigan naman ng pamahalaan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan ay legal at “of high quality.”

Gayunman, tinawag naman ng Pangulo si Gordon na mataba at pinuna pa nito ang hairdo ng senador at inakusahan na kurakot gamit ang pondo ng Red Cross.

Ipinagkibit-balikat naman ni Gordon ang “cheap shots” na ito ng Pangulo sa kanya sabay giit na ipagpaptuloy niya ang nasabing imbestigasyon.

Ang Red Cross ang nagbibigay ng COVID-19 tests at tumutulong sa pamahalaan sa mga calamity-hit areas. Kris Jose


  •  
  •  
  •