Palawan gov bet diniskwalipika ng Comelec

Palawan gov bet diniskwalipika ng Comelec

January 6, 2023 @ 9:51 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) Second Division si Mario Joel Reyes bilang kandidato sa pagka-gobernador ng Palawan sa May 9 elections.

Sinabi ng Comelec nitong Huwebes na ang mga partido kabilang ang mga patitioner na sina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgali ay nabigyan ng mga kopya ng resolusyon na inihain noong Enero 5.

“Wherefore, premises considered, the instant Petition for Disqualification is hereby granted. Respondent Mario Joel T. Reyes is hereby declared disqualified to run for the position of Governor in the Province of Palawan in connection with the 09 May 2022 National and Local Elections,” bahagi ng 15 pahinang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis.

Binanggit ng Second Division ang pagbabawal ng Local Government Code laban sa mga pugante sa batas, sa pagtakbo para sa mga lokal na elective positions at tinukoy si Reyes na layong iwasan ang pag-uusig ng kasong kriminal sa pamamagitan ng pagtakas sa ibang bansa at pag-iwas sa kanyang pag-aresto pagkatapos ng sakdal.

Ang mga petitioner ay humingi ng diskwalipikasyon kay Reyes sa dalawang dahilan — ang kanyang naunang paghatol ng Sandiganbayan sa ilalim ng Section 3(e) ng Republic Act (RA 3019) o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at ang kanyang pagiging takas mula sa hustisya sa ilalim ng Section 40 (e) ng RA 7160 o ng Local Government Code of 1991.

Sa hatol nito, napag-alaman ng Comelec na si Reyes ay isang nakatakas na preso kaugnay ng kaso laban sa kanya sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega

Binanggit ng Comelec na maaaring hindi madiskwalipika si Reyes batay sa naunang paghatol ng Sandiganbayan sa ilalim ng Section 3(e) ng RA 3019.

Dagdag  pa na dahil sa pendency ng Motion for Reconsideration at Urgent Reiterative Omnibus Motion na inihain ni Reyes, ang hatol laban sa kanya sa isa pang graft case ay hindi pa nakakamit ng finality at sa gayon, ang accessory penalty ng perpetual disqualification to hold public office ay hindi magtatakda. Jocelyn Tabangcura-Domenden