Palawan itinanghal na ‘Most Desirable Island’ sa 2022

Palawan itinanghal na ‘Most Desirable Island’ sa 2022

November 10, 2022 @ 7:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinanghal na Most Desirable Island sa mundo ng 2022 Wanderlust Travel Awards ng longest-running publication sa United Kingdom ang probinsya ng Palawan.

Tinawag pa itong “Heaven on earth” ng naturang publikasyon kung saan mula Hulyo hanggang Oktubre ay tumanggap ng boto mula sa mga mambabasa sa buong mundo.

“Whether it’s an underappreciated ancient land, balmy hideout or a sprawling metropolitan, help us celebrate these desirable countries, cities, regions and emerging destinations around the world by casting your vote.”

Ngayon ay mayroon nang resulta sa nangyaring botohan at nanguna nga dito ang Palawan sa kategoryang Most Desirable Island (Rest of the World).

“Wanderlust readers have selected Palawan to be not just be the best in the country, but the best in the world,” sabi sa travel magazine.

“The scenery here is heaven on earth with sparkling waters and white sand beaches. One of the most photographed sites is Kayangan, a dazzling freshwater lake with spectacular rock formations above and below the surface,” dagdag pa.

Ibinahagi rin ang iba pang mga mapapasyalan sa Palawan tulad ng underground river at mga pagkain sa Puerto Princesa City.

Nanalo naman sa ikalawang pwesto ng kaparehong kategorya ang Tobago at Viti Levu, Fiji sa bronze level.

Itinanghal naman ang Ireland bilang Most Desirable Island sa Europa.

Namamayagpag ang Wanderlust magazine sa loob ng 29 na taon sa pagpapakilala nito ng sustainable travel. RNT/JGC