Palawan, Mindanao uulanin sa namumuong bagyo

Palawan, Mindanao uulanin sa namumuong bagyo

June 22, 2022 @ 6:45 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang namumuong bagyo o Low Pressure Area sa Palawan at Mindanao, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA alas-3 ng madaling araw ng Miyerkoles sa  vicinity ng Puerto Princesa City sa kung saan naka-embed ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang Cagayan at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Occidental Mindoro, Palawan, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA / ITCZ ​​na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:28 a.m. at lulubog ng 6:28 p.m. RNT