Palawan, Occidental Mindoro, 4 pang lugar, magiging maulan

Palawan, Occidental Mindoro, 4 pang lugar, magiging maulan

September 17, 2022 @ 8:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan at ulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at ng Visayas ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Samantala, patuloy na binabantayan ng weather bureau ang aktibong tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Si Super Typhoon Nanmadol ay namataan 1,315 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 195 kilometers per hour, gustiness hanggang 240 km/h, patungong northwestward at may bilis na 20 km/h.

Magiging maulap naman ang kalangitan sa Palawan, Occidental Mindoro, Romblon, Aklan, Antique, at Negros Occidental na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Gayundin, magiging maulap sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dulot ng southwest monsoon at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa northern Luzon ay slight to moderate patungong northwest to west direction habang ang coastal waters ay inaasahang magiging moderate.

Makararanas naman sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong south to southwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:45 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:56 ng hapon. RNT/SA