Palawan pasok sa ‘Top 25 islands’ sa buong mundo

Palawan pasok sa ‘Top 25 islands’ sa buong mundo

September 17, 2021 @ 4:41 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Muling nakapasok ang Palawan sa ‘Top 25 islands’ ng Travel + Leisure magazine’s World’s Best Awards.

Nasungkit nito ang pang-19 na ranggo na ibinase sa ratings ng mga mambabasa at may iskor na 88.63.

Nanguna rito ang Greek islands of Milos at pumangalawa naman ang Folegandros na sinundan ng St. Vincent at Grenadines, Madeira sa Portugal, at Andaman Islands sa India.

Sa Asya, panglima ang Palawan matapos ang Andaman Islands, Koh Samui sa Thailand, Bali sa Indonesia, at Maldives. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •