Palawan, Vis-Min, uulanin sa ITCZ

Palawan, Vis-Min, uulanin sa ITCZ

October 7, 2022 @ 6:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.

Ang Visayas, Palawan, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ ​​na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ ​​at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:46 a.m., habang lulubog ito mamayang 5:42 p.m. RNT