Palawan, VisMin uulanin sa LPA, ITCZ

Palawan, VisMin uulanin sa LPA, ITCZ

November 19, 2022 @ 7:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob dito ang probinsya ng Palawan, Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng PAGASA ngayong Sabado, Nobyembre 19 kung saan ang LPA ay huling namataan 190 kilometro silangan ng General Santos City.

Samantala, ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at southern portion ng Aurora ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot din ng ITCZ at LPA.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot naman ng localized thunderstorm at ITCZ.

Matatandaan na binaha ang ilang lugar sa Davao Region dulot ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng nabanggit na weather system. RNT/JGC