Palawan, VisMin uulanin sa LPA

Palawan, VisMin uulanin sa LPA

January 24, 2023 @ 6:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Uulanin ngayong araw, Enero 24 ang Palawan, Bicol region, Visayas at Mindanao dulot ng low pressure area.

Sa huling ulat ng PAGASA, alas-3 ng madaling araw ay huling namataan ang LPA sa layong 280 kilometro timog-silangan ng Davao City.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, at Ilocos Norte dahil naman sa northeast monsoon o Amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil pa rin sa amihan. RNT/JGC