Paligid ng Batasan nananatiling mapayapa – NCRPO Chief Natividad

Paligid ng Batasan nananatiling mapayapa – NCRPO Chief Natividad

July 25, 2022 @ 2:10 PM 3 weeks ago


MAANILA, Philippines- Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa paligid ng Batasan, kung saan gaganapin ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PLTCOL Elizabeth Jasmin, ang commander na nakatutok sa nasabing lugar, at sa magdamag na kanilang pagbabantay hanggang sa mga oras na ito ay wala pang naitatalang anumang insidente na may kaugnayan sa banta na seguridad

Wala ding nakumpiskang baril o bladed weapon at anumang uri ng pampasabog sa kabila ng laging pag-iikot ng bomb snipping dog at mga tauhan ng PNP-SWAT.

Kanina, nag-ikot din si NCRPO Chief PMAJOR General Felipe Natividad at sinabi nito na kontento siya sa pinapatupad na seguridad ng mga kapulisan.

Sa ngayon nanatiling sarado ang magkabilang kalsada ng IBP road at tanging may mga Car Pass at VIP’s lang ang pinapayagang makadaan.

Para naman sa mga naglalakad at dadalo na rin sa programa ng PRO Marcos sa IBP road kailangan nilang dumaan sa metal detector ng PNP bago payagan na makalusot sa checkpoint.

Sa ngayon unti-unti nang nagsisidatingan ang mga tagasuporta ni Pangulong Marcos at binuksan na rin ang sound system sa entamblado

Napag-alaman na alas-11:00 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon papayagan ang programa ng PRO Marcos. Jan Sinocruz