Palit-pangalan ng NAIA sa MIA nauna nang binasura ng Korte Suprema

Palit-pangalan ng NAIA sa MIA nauna nang binasura ng Korte Suprema

April 20, 2022 @ 9:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Malacañang nitong Martes na may nauna nang ibinasura ang Korte Suprema na petisyon na ibalik ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pabalik sa Manila International Airport (MIA) noong 2020 kahit na kinikilala nito na kailangan ang isang “congretional action” upang pawalang-bisa ang batas na pinangalanan ang MIA sa NAIA noong 1987.

Sa isang briefing ng Palasyo, tinanong si acting presidential spokesperson Martin Andanar tungkol sa panukala ni Duterte Youth party-list Representative Ducielle Marie Cardema.

“There has to be a congressional action to repeal the Republic Act No. 6639, which renamed MIA to NAIA. It can be remembered that the Supreme Court in 2020 already junked the petition to nullify the said law,” aniya.

Sa paghahain ng House Bill 10833, nais ni Cardema na palitan ng pangalan ang NAIA na MIA, na itinuturo na ang kasalukuyang pangalan ng paliparan ay napulitika.

Noong 2020, tinanggihan ng Korte Suprema ang isang petisyon na naglalayong pawalang-bisa ang isang batas na pinalitan ang pangalan ng MIA sa NAIA para sa “kakulangan ng merito.” RNT