Palit-pangalan ng State U kay ex-pres Marcos, pinalagan ng Kabataan partylist

Palit-pangalan ng State U kay ex-pres Marcos, pinalagan ng Kabataan partylist

August 15, 2022 @ 9:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tutol ang Kabataan party-list sa panukalang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte at ipangalan yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.

“The sheer scale of human rights violations under the Marcos Sr. dictatorship is enough to not entertain even the thought of the proposal,” anang party-list sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo.

Idinagdag nila na ang panukala ay mistulang lumilimot sa umanoy isinagawang komersyalisasyon sa edukasyon ni Marcos sa pamamagitan ng Education Act of 1982, na nag-alis sa “public character of state universities like MMSU by pushing them to generate their own income and rely on privatizing school services.”

Inakda ni Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Marcos Barba, ang House Bill No. 2407, ay inihain noong Hulyo 27 at nakatakdang pag-usapan ng House Committee on Higher and Technical Education sa Agosto 16.

Si Barba ay unang pinsan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Mariano Marcos ay isang abogado, guro at politiko. Siya ang ama ng yumaong dating pangulong Marcos.

“Hindi dapat ituring na pagmamay-ari ng isang pamilya ang mga state university and college. Wala ring utang na loob ang kabataan na bigyang ‘dangal’ ang mga nasa kapangyarihan para sa edukasyon na kanilang natatamasa dahil sa buwis ng mamamayang Pilipino,” ani Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel. RNT