PALIWANAG NI CLARITA

PALIWANAG NI CLARITA

January 24, 2023 @ 1:20 PM 1 week ago


ANG sabi ng dating National Security Council adviser na si Propesora Clarita Carlos, kaya siya bumitaw sa tungkulin ay pagkarami-rami raw na pwersa ang ayaw sa kanya.

Pipitong buwan pa lamang bilang adviser, itong si Aling Clarita ay bumigay na, dahil sa sinasabi niyang malakas na pwersa. Sino o ano bang pwersa ang tinutukoy niya?

‘Di nga raw niya inaasahan ang ganitong biglaang pagbitaw niya. Pero bakit ayaw niyang pangalan ang pwersang sinasabi niya?

Ang sabi lamang nitong retiradong propesora ng University of the Philippines, kanya lamang pangalan ang mga tao o pwersang nagpabitiw sa kanya tungkulin, sa isang ‘memoir’ na kanyang isusulat at ililimbag matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pahiwatig pa ng ale, ‘di naman niya hiningi o hiniling Kay Pangulong Marcos na gawin siyang adviser ng NSC, at bilang isang political scientist, agad niyang nararamdaman kung may mga pwersang kumakalaban sa kanya para magmukha siyang walang kaalam-alam sa kanyang tungkulin.

Noon nga raw nakausap niya si Pangulong Bongbong ng mga nakaraang linggo bago siya nagbitiw, natalakay nila ang landas na dapat tahakin para sa pagbabantay ng seguridad ng bansa. Ang kanilang paghaharap ni PBBM ay noong bago pa pangalanan si dating Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang bagong NSC adviser.

Kaya nga raw siya nagbitiw ay para magtagumpay ang Pangulo sa kanyang mga adhikain. At kung ang kanyang pagbibitiw ang magsisilbing pamamaraan para magtagumpay si PBBM, agad niya itong ginawa.

Maganda ang pag-alis n’yo, Aling Clarita. Graceful exit, ika nga. Pero sa ganang akin, ang posisyon o pagiging adviser ay talagang kinakailangan may bayag o tapang para matiyak ang seguridad ng bansa.

Hindi kailangan na magaling lamang ang isang tagapayo o sabihin na nating ‘academe’. Kailangang ang itatalagang NSC adviser ay talagang may ‘bayag.’
oOo oOo oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!